marian-copy

MARAMING friends si Ms. Ai Ai delas Alas na hindi personal na nakadalo sa kanyang Thanksgiving Mass at Solemn Investiture last Friday na birthday rin niya, sa Cathedral of the Good Shepherd sa Novaliches, Quezon City.

Isa rito ang kanyang “kakambal” na si Marian Rivera na may importanteng commitment din nang araw na iyon, kaya nagpadala na lang ng flowers at letter na ipinost ni Ai Ai sa kanyang Instagram account.

Naririto ang nasabing sulat:

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Kambal,

“Happy birthday. I’m so proud of you sa lahat ng achievements mo sa buhay... Salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan!

“Bawi kami ng inaanak mo sa ‘yo, sorry na hindi kita napuntahan.

“Love you, Kambal.”

Nagpadala rin ng flowers sa Comedy Queen si Vice Ganda, ganoon din ang ilang executives ng ABS-CBN, at si Maine Mendoza.

Nitong nakaraang Linggo, we wonder kung paano bumawi si Marian nang magkita na sila ni Ai Ai sa Sunday Pinasaya, nang maging special guest si Dingdong Dantes para mag-promote ng movie niyang The Unmarried Wife ng Star Cinema na showing na ngayon.

May special birthday presentation ang show at naging punong-abala si Marian sa pag-aasikaso sa celebration, na naging special guests din sina former Manila Vice-Mayor Isko Moreno. May birthday video greetings din kay Ai Ai si Manila Mayor Joseph Estrada, na minsan nang nakatambal ni Ai Ai sa pelikula. (NORA CALDERON)