TARLAC CITY - Nahaharap ngayon sa child abuse ang isang dalaga matapos niyang igapos sa puno ng akasya ang dalawang batang pinsan niya na umano’y nakainisan niya dahil sa hindi nila pag-uwi nang maaga sa Sitio Buno, Barangay Matatalaib, Tarlac City, nitong Huwebes ng gabi.

Batay sa ulat na isinumite ni PO2 Dulia Dumpao kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, arestado si Febbie May Piyaoan, 20, dalaga, ng nabanggit na lugar.

Pinagmalupitan umano ng suspek ang magkapatid na lalaki, isang 10-anyos na Grade 2 pupil; at isang walong taong gulang na out-of-school, kapwa ng Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Bandang 10:00 ng gabi na umuwi ang magkapatid at sinalubong sila ng suspek at ginapos ng electrical cable ang 10-anyos, habang ikinadena naman sa puno ng akasya ang otso anyos.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagsisigaw ng paghingi ng saklolo ang magkapatid hanggang tulungan sila ni Christian Valencia, na nag-report sa mga miyembro ng Bantay Bayan hanggang dinakip ang suspek. (Leandro Alborote)