Masisilayan bukas ang kapana-panabik na ika-13th sa 17 yugto ng Ultimate Fighting Cock Championships sa makasaysayang La Loma Cockpit.

Itatanghal ang epikong labanan ng 2016 UFCC Stagwars sa pagtataguyod ng Thunderbird Bexan XP, LDI, Vitarich Titan Feeds at ng Minami Appliances.

Pinagharian ang ika 12th-Leg ng full force na tambalang Nelson Uy at Dong Chung na mayroong perfect score na anim na panalo sa anim na laban.

Nakasunod si Ka Luding Boongaling ng LB Candelaria at si Ramon Atayde ng RRA/Andre na parehong may tig-limang puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Hindi rin nalalayo sa apat na puntos bawat isa sina Edwin Tose ng 419 Victoria, Arman Santos ng Jade Red at Eddie Boy Villanueva ng Sabado Na UFCC La Loma.

Ang pinakamatandang sabungan sa buong Pilipinas na itinatag noong 1901 na La Loma Cockpit ay naghandang maigi sa pamumuno ni Fiscal Villanueva upang matunghayan ang malupit na banggaan ng mga UFCC regulars at La Loma big boys.

Babalik ang matinding bakbakan na ito sa Ynares Sports Arena sa Nov 24 at 26.

Ang ikalawa sa huling yugto ay lilipat naman sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City sa Nov. 29 at ang pinarurok ng kampeonato ay isang 7-stag derby sa Ynares Sports Center sa Disyembre 3.