Nadomina ng Perpetual Help ang St. Benilde, 25-22, 25-22, 26-24, kahapon para patatagin ang kampanya na maidepensa ang korona sa 92nd NCAA men’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Naitala ni sophomore Esmail Kasim ang 15 hit, tmpok ang 10 kill, tatlong service ace at dalawang block para pagbidahan ang Altas sa maagang liderato kasama ang Letran Knights at Mapua Cardinals.

Nakalusot ang Letran sa 19-25, 12-25, 25-20, 25-22, 15-10 panalo kontra Lyceum, habang nagwagi ang Mapua sa Jose Rizal, 25-22, 25-15, 25-20.

Nagsosyo sina Rey Taneo, Jr. at Allan Jay Sala-an sa ratsada ng Perpetual sa naiskor na 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

“We need to be consistently aggressive. In all the sets, we started out slow and we only fought back,” sambit ni coach Noel Acaylar.

“We really need to play with a lot of intensity from start to finish.”