Sinabi kahapon ni Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Jericho Jonas Nograles na dapat maging prayoridad ng Kongreso ang pagpapatibay sa mga panukalang batas na hihikayat sa mga residente ng Metro Manila na mag-adopt ng tinatawag na “multi-modal mobility (3M)”, kabilang ang paggamit ng bisikleta, sa pagpasok sa trabaho.
Makatutulong umano ito sa pagpapaluwag ng trapiko at pagbabawas ng polusyon o carbon emission.
Aniya, may mga panukala na naka-pending ngayon sa Kongreso na nagsusulong sa paggamit ng bisekleta at portable electric scooters na dapat talakayin at pagtibayin sa harap ng patuloy na paglala ng problema sa trapiko sa bansa.
Tinatayang may P2 bilyon ang nalulugi araw-araw dahil sa trapiko. (BERT DE GUZMAN)