mikee-romero-copy

Nanawagan ang bagong halal na Philippine Basketball Association(PBA) chairman Michael Romero sa mga lider ng iba’t ibang sports association na isipin ang kinabukasan ng mga atleta at kabataan sa kanilang pagboto sa gaganaping halalan sa Philippine Olympic Committee (POC) sa Nobyembre 25.

Sa hiwalay na impormasyon, nakatakdang ihain ng kampo ni boxing association president Ricky Vargas ang TRO (Temporary Restraining Order) laban sa POC. Matatandaang diniskuwapilika ng POC Comelec si Vargas dahil umano sa pagiging ‘inactive’.

Sinabi ni Dr. Romero na kung ang pro-league ay nagkakaroon ng palitanng mga opisyal taun-taon at sa national governing body na Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) tuwing apat na taon, nararapat na maganap din ito sa Olympic body.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"The PBA nor the SBP is not in isolation, I would just like to say that," giit ni Romero. "It's time to overhaul POC and it's time to overhaul Philippine Sports."

"Maawa na po tayo sa Philippine sports. Number 6 na po tayo sa Southeast Asia baka paggising natin number 10 na tayo out of 11 countries," aniya.

Ipinaliwanag niya na hindi nararapat na ibigay ang kredito sa liderato ni Cojuangco ang matagumpay na overall championship ng Team Philippines sa SEA Games noong 2005 dahil produkto ito ng programa ng dating POC chief Cito Dayrit. (Angie Oredo)