andrea-at-aiko-copy

PRANGKA at praktikal si Aiko Melendez sa pagpapalaki sa kanyang anak na si Andre na disiotso na ngayon.

Marami ang naaliw sa interview ni Vice Ganda kay Aiko at sa anak niyang si Andre sa Gandang Gabi Vice. Diretsahang sinabi ni Aiko sa anak na dapat na itong gumamit ng condom, huh!

Katwiran ni Akikay, kahit naman daw pagbawalan niya ang anak niya ay hindi naman niya masisigurado na hindi nito gagawin ang mga bagay na alam naman daw ng lahat na ginagawa ng nasa edad ng anak nito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Magpakatotoo lang naman tayo, kahit anong pagbabawal ko sa kanya para sa bagay na ‘yun, eh, mangyayari pa rin ang gusto niya. Kaya advice ko na lang, eh, mas mabuti na iwasan ang maagang makabuntis o ‘di kaya magkasakit,” sey pa ng magaling na aktres.

Samantala, natuloy na ang matagal nang hinahangad ni Aiko Melenez na mabawasan ang taba sa ilalim ng kanyang braso.

Kung ilang beses nang binabanggit ni Aiko noon pa na lumalaylay na raw ang taba niyang ‘yun.

Kaya bumisita siya kamakailan sa clinic na nagsagawa ng kanyang lipo procedure. Natatawa pang binanggit ni Aiko na iyon na bale ang birthday gift niya sa kanyang sarili.

Eksaktong isang buwan na lang, birthday na kasi ng aktres -- sa December 16.

Marami naman ang napapahanga ni Aiko sa kanyang pagiging ‘conscious’ sa pangangatawan at pati na rin sa kanyang pagiging ‘health buff’.

Sa kagustuhang makapagbawas ng timbang, masinsinan ang kanyang pagwu-work out.

Sey ni Aiko, tagumpay naman ang pagpapakahirap niya dahil halos fifty pounds na ang nawawala sa kanya. Masaya rin siya sa pagbabawas niya ng taba ng kanyang arms at pinasasalamatan niya ang doctor na nagsagawa nito. (JIMI ESCALA)