Umapela sa Supreme Court (SC) ang cause-oriented groups at health advocates na alisin na ang temporary restraining order (TRO) sa contraceptives.
Hinihiling din na pawalan ng bisa ang kautusan ng Second Division noong Agosto 24, 2016 na sumisikil sa karapatan ng kababaihang gumamit ng contraceptives.
Sa kanilang inihaing petisyon, iginiit ng grupo na ang TRO at kautusan ay lumalabag sa karapatan ng kababaihang nakapaloob sa United Nations’ Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women; 1987 Philippine Constitutional provision on equal protection of the mother and the unborn; Republic Act No. 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Law, at RA 9710 o Magna Carta of Women.
Ang petitioners ay kinabibilangan ng Filipino Catholic Voices for Reproductive Health (C4RH), Philippine NGO Council on Population Health and Welfare (PNGOC), Philippine Center for Population and Development (PCPD) at Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Foundation, Inc. (PLCPD.) (Chito A. Chavez)