Dumaan sa matandang kawikaan na butas ng karayom ang defending champion Macway Travel Club at Wang’s Ballclub bago tuluyang nanaig laban sa kanilang mga katunggali sa 2016 MBL Open basketball tournament sa EAC Sport Center sa Ermita, Manila.

Pakitang-gilas sina dating PBA mainstays Bonbon Custodio, Jeff Sanders at Larry Rodriguez para tiyakin ang 100-94 panalo ng Macway laban sa Philippine Air Force para sa ikatlong panalo sa limang laro.

Samantala, kumubra si Jeff Tayongtong ng 14 puntos para sandigan ang Wang’s Ballclub sa 102-98 panalo laban sa dating walang galos na Emilio Aguinaldo College.

Nanguna si Custodio, dating naglaro sa San Miguel Beer, sa Macway sa naiskor na 23 puntos.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Kumubra naman ang Amerikanong si Mike Harry sa naitarak na 16 puntos para sa Macway sa kompetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Hataw si Rama Krishna Morales sa Air Force sa naiskor na 19 puntos, kasunod sina Darwin Cordero (17), Paulino Rebollos (13) at Jake Diwa (12.)

Pinangangasiwaan ni coach Alvin Zuniga at assistant Jimmy Andaya ang Air Force para sa 2-2 karta.

Iskor:

(Unang laro)

Wang’s Ballclub (102) -- Labing-Isa 18, Brana 16, Tayongtong 14, Gomez 13, Lasco 12, Publico 11, Acosta 8, Sanga 5, Banal 3, King 2, Juruena 0.

EAC (98) -- Garcia 25, Bautista 19,

J.Mendoza 19, Diego 10, Bugarin 7, N.Mendoza 5, Altiche 5, Estacio 4, Gonzales 4, Natividad 0.

Quarterscores:

20-23, 44-46, 70-79, 102-98.

(Ikalawang laro)

Macway (100) -- Custodio 23, Sanders 16, Harry 16, Rodriguez 13, Marquez 8, Fampulme 7, Dedicatoria 6, Natividad 4, Santiago 3, Sta Cruz 2, Laude 2, Mangaran 0, Reyes 0, Espinosa 0.

Air Force (94) -- Morales 19, Cordero 17, Rebollos 13, Diwa 12, Ollano 8, Lumongsod 7, Tano 6, Casulla 6, Malig-On 4, Almerol 2, Regalado 0.

Quarterscores:

29-27, 50-58, 75-72, 100-94.