bon-jovi-copy

NANGUNA ang mga bagong album nina Bon Jovi at Alicia Keys sa U.S. Billboard 200 chart noong Lunes, at pumangatlo naman ang soundtrack ng pambatang pelikulang Trolls.

Bumenta ng 129,000 units ang This House Is Not For Sale ni Bon Jovi na naghatid sa number one spot sa New Jersey band sa ikaanim na pagkakataon, ayon sa datos mula sa Nielsen SoundScan.

Nasa ikalawang puwesto naman si Keys, na masigla ngayon ang career dahil sa kanyang appearance bilang judge sa television show na The Voice, na may nabentang 50,000 units sa kanyang studio album na Here.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Itinatala ng Billboard 200 album chart ang album sales, song sales (10 kanta katumbas ng isang album) at streaming activity (1,500 streams katumbas ng isang album).

Umakyat naman mula sa ika-39 na puwesto noong nakaraang linggo patungo sa ikaanim na puwesto ang soundtrack ng animated movie na Trolls, sa 46,000 units na naibenta nito ngayong linggo. Itinatampok sa album na ito ang mga kontribusyon mula kina Justin Timberlake, Ariana Grande, Gwen Stefani, at Anna Kendrick.

Pasok din sa top 10 ng Billboard 200 ngayong taon ang mga movie soundtrack ng Suicide Squad at Star Wars: The Force Awakens.

Sa digital songs chart, na sinusukat ang online singles sales, nanguna ang Black Beatles ni Rae Sremmurd na inilabas noong Setyembre, na umangat ng 16 places mula nakaraang linggo dahil na rin sa viral success ng “mannequin challenge” na naging backdrop ang kanta ng hip-hop duo. (Reuters)