WASHINGTON (AFP, Reuters) – Tutuparin ni Donald Trump ang kanyang pangako na ipatatapon ang milyun-milyong undocumented migrants mula sa United States.

“What we are going to do is get the people that are criminal and have criminal records, gang members, drug dealers, where a lot of these people, probably two million, it could be even three million -- we are getting them out of our country or we are going to incarcerate,” ayon kay Trump sa programang “60 Minutes” ng CBS. “But we’re getting them out of our country. They’re here illegally,” dagdag niya.

Naging plataporma ng billionaire real estate baron ang seguridad sa U.S.-Mexico border sa kanyang presidential campaign, na nagbunga sa kanyang hindi inaasahang panalo sa halalan noong Nobyembre 8 laban kay Hillary Clinton.

Idinagdag ni Trump na ang itatayong pader sa hangganan ng US sa Mexico ay maaaring gawa sa brick at mortar, ngunit pwedeng bakod lamang ang itatayo sa ilang lugar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“There could be some fencing,” ani Trump sa kanyang unang primetime interview simula nang mahalal na pangulo noong nakaraang linggo.

Gayunman, iniwan niyang bukas ang pintuan sa kapalaran ng milyun-milyong iba pang hard-working immigrants na ilegal na nasa bansa.

‘’After the border is secured and after everything gets normalized, we’re going to make a determination on the people that you’re talking about who are terrific people,’’ aniya.