pink-copy

BUNTIS sa kanyang pangalawang anak ang Grammy-winning pop star na si Pink sa asawa at motorcross champ na si Carey Hart.

Kinumpirma ito noong Sabado ng publicist na si Meghan Kehoe pagkaraang mag-post ng baby-bump shot si Pink kasama ang 5-anyos na anak na babae sa Instagram. Nakalagay sa caption, “Surprise!” Pero wala nang ibang pang detalye siyang ibinigay.

Children’s advocate ang 37-anyos na singer sa UNICEF. Noong nakaraang taon, hinirang siya bilang ambassador para tumulong sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng pisikal na aktibidad ng mga bata sa United States.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

Nagsasagawa rin ng fund raising si Pink sa tulong ng UNICEF para sa nutritional relief sa mga malnourished na mga bata sa buong mundo, at siya ang national spokeswoman for the UNICEF Kid Power fitness band. (AP)