Hindi pa tapos ang pakikipagsapalaran ni dating league top rookie Danny Seigle sa PBA.

Sa edad na 40-anyos, ang 1999 Rookie of the Year ay sasabak pa sa aksiyon nang palagdain ng kontrata ng Talk ‘N Text sa pagbubukas ng 42nd Season.

Kasabay ni Seigle na pinalagda ng kontrata sina Gilas cadet Roger Pogoy at kapwa rookie na sina Levi Hernandez at Alex Nuyles.

Tulad ng mga kapwa Gilas cadet s at top 3 picks noong nakaraang draft na sina Mac Belo, Jio Jalalon at Arnold Van Opstal, lumagda si Pogoy ng P9 milyong kontrata na kinapapalooban ng pagtanggap niya ng maximum salary na P150,00 para sa isang rookie.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pinalagda rin ng Texters ng isang taong kontrata gaya nina Seigle si Dylan Ababou kasunod ng paglagda ng kanilang franchise player na si Jason Castro noong Biyernes ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng P15.2 milyon.

Nauna nang pinalagda ng Texters ng panibagong kontrata sina Kelly Williams at Ryan Reyes. Para mapasama sa kanilang 15-man roster na kinabibilangan din nina Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier, Kris Rosales,Matt Ganuelas-Rosser, , Harvey Carey, Troy Rosari at Fil-Tongan Mo Tautuaa. (Marivic Awitan)