PUERTO PRINCESA - Tatlong gintong medalya at dalawang pilak ang agad na iniuwi ng Dragonboat squad ng Philippine Canok-Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) sa pagsagwan kahapon sa 2016 Asian Club Crew at Palawan Open sa bagong gawang Baywalk dito.

Pinangunahan ng Pinoy paddlers ang dalawang heat ng 20-seater men’s 500 at junior mixed 500m Biyernes ng umaga upang tipunin ang pinakamabilis na pinagsamang oras para matagumpay nitong maipagtanggol ang kanilang mga medalya na kanilang napanalunan dalawang taon na ang nakalipas sa Thailand.

Nagdagdag din ng pilak sa 10-seater men at ang bagong buo na koponan sa 10-seater women sa 500m.

Hindi naman nagpaiwan ang bagong buo na Philippine women’s team na unang sabak sa international ameet matapos dominahin ang small boat women’s para sa ikatlong medalya ng Pilipinas.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“We never expected them to win the gold dahil malakas talaga ang Thailand. Wala pa ‘yan halos two months nabuo at ngayon lang talaga nagkasama-sama dahil madalas sila sa mixed team kaya nagulat kami noong naungusan nila sa first heat, tapos hinabol ang Thailand sa last 50 meters ng second heat para manalo,” sabi ni PCKDF national head coach Lenlen Escollante. (Angie Oredo)