DAVAO CITY – Nais ni Mayor Sara Z. Duterte na pangalanan ng Stonefish ang kanyang ipinagbubuntis, alinsunod sa nakaugalian niyang ipangalan sa sea creatures ang kanyang mga anak.

Pinangalanan ng presidential daughter ang dalawa sa kanyang mga anak na Stingray at Sharky.

Sa isang Instagram post, inilarawan ni Inday Sara ang natitira sa triplets sa kanyang sinapupunan na maliit ngunit malakas.

“In the underwater world, you don’t have to be the largest creature to be the biggest threat,” sabi ng alkalde.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napaulat na malusog si ‘Stonefish’, na sasapit na sa kanyang ika-18 linggo.

Sinabi ni Inday Sara na ang sanggol—na ayon sa isang source ay lalaki—ay lalaking matatag at matapang na gaya niya.

“The stonefish, which reaches an average length of 30 to 40 centimetres and up to 2kg /5lbs in weight, is the most venomous fish in the world having venomous sacs on each one of its 13 spines.”

Sa payo na rin ng kanyang mga doktor, hindi nakikita si Inday Sara sa mga public event simula nang ihayag niya ang kanyang pagdadalantao noong Hulyo.

Gayunman, namatay ang dalawa sa triplets ilang araw makaraang pasabugan ang night market sa Roxas Avenue sa lungsod na ito noong Setyembre 2. (YAS D. OCAMPO)