Nakabigti sa puno ng mangga at wala nang buhay nang matagpuan ang isang helper sa Quezon City, nitong Biyernes ng umaga.

Dakong 6:20 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Jeson Gumahad sa hardin sa kanilang compound sa kahabaan ng Scout De Guia Street, Barangay Laging Handa.

Siya ay nadiskubre ng kanyang kapitbahay, si Analyn Francisco, na matapos maligo ay lumabas ng bahay at nadatnang nakaluhod at nakabigti sa ilalim ng puno ang biktima.

Ayon pa kay Francisco, telephone cord ang nakapulupot sa leeg ng biktima na agad niya umanong inalis at humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay.

Isinugod si Gumahad sa Capitol Medical Center ngunit patay na ito.

Matigas pa sa bato! Hiling ni Sen. Bato, Senate Mansion sa Baguio, magamit para sa golf!

Inaalam pa ng pulisya kung may foul play na nangyari. (Vanne Elaine P. Terrazola)