Mahigit isandaang (100) inspector ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang paliparan at pangunahing daungan sa bansa ang inilipat sa patuloy na pagsisikap ng ahensiya na maiwasan ang katiwalian.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na apektado ng panibagong reshuffle ang 139 immigration officers (IO) at immigration supervisors na nakatalaga sa NAIA at sa international airport ng Mactan-Cebu, Kalibo, Clark, at Davao, at international seaports sa Zamboanga at ilang border crossing stations sa Palawan at Mindanao. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter