KACHIN, Myanmar (AFP) – Isang malaking metal cylinder na pinaniniwalaang nagmula sa isang Chinese satellite o aircraft ang bumagsak mula sa kalangitan at lumagapak sa isang minahan ng jade sa hilaga ng Myanmar, iniulat ng state media nitong Biyernes.

Ang ang hugis bariles na bagay, may habang 4.5 metro at mahigit isang metro ang lapad, ay bumagsak sa bayan ng Hpakant sa Kachin State noong Huwebes, iniulat ng Global New Light ng Myanmar.

Isa pang mas maliit na piraso ng metal na may Chinese writing ang tumusok sa bubungan ng isang bahay sa katabing pamayanan sa parehong oras. Wala namang iniulat na nasaktan.

Nangyari ito halos sabay sa araw na iniulat ng Chinese state media na nagpadala ang Beijing ng satellite sa kalawakan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina