SEVNICA, Slovenia (Reuters) – Inaasahan ng maliit na bayan ng Sevnica, ang bayang sinilangan ni Melania Trump sa Slovenia, na lalakas ang turismo sa kanilang lugar dahil sa pagkapanalo ng asawa nitong si Donald Trump sa US presidential elections.

Mayroon lamang 5,000 residente ang bayan na nasa paanan ng Alps, at halos hindi kilala sa Slovenia, lalo na sa ibang bansa.

Ngunit noong Lunes ay biglang napansin ang Sevnica bilang hometown ng 46-anyos na future US First Lady.

“Sometimes the pressure of the media was too hard. The people of Sevnica are not used to it. On the other hand, the global attention is positive because Sevnica is developing into a tourist destination,” sabi ni Mayor Srecko Ocvirk.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Isinilang na Melania Knavs noong 1970, lumaki siya sa isang apartment block sa Sevnica. Ang kanyang ama ay nagtitinda ng car parts habang nagtatrabaho ang kanyang ina sa pabrika sa noo’y Yugoslavia, bago bumagsak ang bansa noong 1990s.

Naniniwala ang pinuno ng health center ng bayan na magtatagumpay si Melania sa White House.

“Melania will be an excellent First Lady who will take Slovenian values of generosity, loyalty and trust to the United States and the world,” sabi ni Vladimira Tomsic.