“Actually nasasanay na ako kay Presidente. Parati ako nagiging pulutan.” Ito ang tinuran ni Vice President Ma. Leonor ‘Leni’ Robredo sa biro sa kanya kamakalawa ng hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mas pinipili ni Robredo na palampasin ang biro ng Pangulo at sinabing “there are larger and more urgent issues we confront as a nation that demand our collective attention.”

Magugunita na pinuna ni Duterte ang tuhod ni Robredo at pagsusuot ng huli ng maikling palda sa Cabinet meeting.

Unang sinabi ni Robredo na “tasteless remarks and inappropriate advances against women should have no place in our society.”

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

“We should expect that most of all from our leaders,” dagdag pa nito.

Kahapon, sinabi ni Duterte na biro lang ang lahat. Hindi umano ‘inappropriate’ ang kanyang puna, lalo na’t bilang isang pulitiko, matapos manermon ay nakaugalian na niyang magbiro. (Raymund F. Antonio)