alfred-at-yasmine-copy

ISA sa mga itinuturing na happy couple sina Cong. Alfred Vargas at Yasmine Espiritu. Anim na taon na ang nakararaan nang ikasal sila in a civil rites at ngayon ay mayroon nang dalawang anak na babae, sina Alexandra at Aryanna.

Sinumang babae ay nangangarap na lumakad sa simbahan sa araw ng kanyang kasal. Magkakaroon ito ng katuparan para kay Yasmine, a Fil-Italian beauty as they exchange vows sa kanilang church wedding na gaganapin sa July 23, 2017 sa Manila Cathedral. Ang dalawa nilang anak ang magiging flower girls.

Katoliko si Alfred at gusto niyang mabasbasan ang kanilang pagsasama na naaayon sa kautusan ng Simbahang Katoliko.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Another wish ni Alfred ay ang pagkalooban sila ng anak na lalaki.

Samantala, sa unang termino bilang kongresista ay hangad ni Alfred na ang lahat ng representatives mula sa showbiz ay magkaisa sa kanilang adhikain tungo sa lalong ikauunlad ng local movie industry. (REMY UMEREZ)