rosele-paolo-at-mother-lily-copy

REGAL Entertainment ang magre-release ng pelikulang Die Beautiful na nanalo ng Audience Choice at Best Actor awards sa katatapos na 29th Tokyo International Film Festival.

Binigyan nina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde-Teo sina Direk Jun Lana at Paolo Ballesteros ng grand welcome dahil sa naiuwi nilang karangalan na produced ng Idea First Company at Octobertrain Films.

Ang paliwanag ni Ms. Roselle kung bakit sila ang magre-release ng Die Beautiful, “Attached na attached kasi kami ni Jun Lana and Perci (Intalan) ever since and he started with us to direct (Prenup), and having Paolo Ballesteros na best actor na hindi natin ini-expect, kaya nakakatuwa and a part of me, I wanna belong kahit man lang sa gathering na ito.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Masaya namang ikinuwento ni Paolo na hindi na talaga niya nahintay ang awards night dahil kinailangan niyang bumalik ng Pilipinas noong Oktubre 28. Kasi nga apat na araw lang ang paalam niya sa Eat Bulaga, pero laking gulat niya nang sabihan siya ng Festival committee na kailangan niyang bumalik na hindi naman sinabi ang dahilan. Inakala lang niya na muli siyang rarampa sa red carpet na naka-gown as Angelina Jolie look-alike na gustung-gusto niya siyempre.

Pagdating niya uli ng Tokyo, hinanap niya kaagad ang staff nina Direk Jun at Perci na si Ms. Chu Santos at tinanong kung bakit siya pinabalik at hinanap niya ang dalawang direktor.

“’Wag ko raw sabihing bumalik ako kasi hindi alam kaya tinanong ko kung bakit hindi puwedeng sabihin. Kasi nanalo nga raw ako ng best actor. Nagulat ako, at the same time tinanong ko ulit (si Chu) na bakit niya sinabi sa akin, eh, di ba dapat surprised ‘yun? Hindi ko na tuloy alam ang mapi-feel ko kapag tinawag na ako to receive the award,” natatawang kuwento ni Paolo.

Nabanggit din ng aktor na si Angelina Jolie ang ginaya niya nang rumampa siya sa red carpet sa opening night ng Tokyo International Film Festival, “Kasi siya ‘yung para sa akin na madaling gayahin, pinakamadaling ma-achieve kaya ‘yun ang ginawa ko.”

Dahil sa make-up transformation skills ni Paolo, inakala ng ibang dumalo sa TIFF na totoong dumating sa Japan si Angelina dahil pinag-uusapan ito nang husto.

“May kanya-kanya kasi kaming grupo during the party, ako, kasama ko Indonesian ‘tapos nabanggit nga na, ‘Did you know that Angelina Jolie was here last night? Natawa ako kasi sa akin pa sinabi, at sagot ko, ‘And that was me’.”

“’Tapos sabi ng kausap ko, ‘Ha? How come? How did you do it?’ Nagtataka sila, ‘tinuro ko ‘yung poster ng movie, Die Beautiful. At sinabi ko na ganyan-ganyan, na it’s about make-up transformation. ‘Tapos sabi nila, ‘Oh my, so was that Meryll Streep the real one or it was you?” masayang kuwento ng aktor.

Pagkatapos ng Q and A, inamin ni Paolo na hindi siya umasa na mananalo siya ng best actor sa naturang filmfest dahil umabot nga sa 16 films ang kalahok at ‘yung ibang nakatunggali niya ay lumabas na sa ibang international film festival tulad ng Cannes, samantalang siya ay first time lang maging bida.

May pressure ba sa kanya ngayong nanalo na siya ng best actor award?

“May pressure in a way kasi dito sa movie na ito, sabi nga nila, si Direk Jun is an actor’s director kasi lahat ng idinirek niya, best actor, best actress. So I guess, paano na lang kung hindi si Direk Jun sa next projects, di ba?

Although, of course, ‘yung effort ko nga na ibibigay, the same 100%, pero iba rin ‘yung tulong ni Direk Jun, we’ll see.”

Umaasa si Paolo na muling makagawa ng pelikulang pangsali sa international filmfest.

“Na-inspire ako lalo,” saad ng aktor.

Ano ang comment ng kanyang Eat Bulaga family, dahil nang gawin nga niya ang Die Beautiful ay nu’ng pansamantala siyang nasuspendi sa programa?

“Of course they’re very happy for me, lahat sila nag-text, nag-message, nag-post sila sa Facebook, lahat sila very supportive. Saka hindi naman blessing in disguise rin na nawala ako, kung baga nasa tamang panahon lang,” masayang sagot ng aktor.

Inamin niya na anuman ang mangyari ay Eat Bulaga ang prayoridad niya dahil dito siya nakilala.

“Dati pangarap kong sumali sa Mr. Pogi, eh, hindi na natuloy kasi naging host na kaagad ako,” pagbabalik-tanaw ni Paolo.

Kasama rin siya sa pelikulang Enteng ni Vic Sotto na ipinasa para sa darating na Metro Manila Film Festival.

“Ang taray!” natawang sabi ng aktor.

Samantala, in-announce rin ni Ms. Roselle na nilatagan nila ng three-picture contract si Paolo para sa Regal at may partnership din sila sa Star Cinema kaya posibleng magsama sila ni Vice Ganda dahil siya na raw ang threat ngayon sa Unkabogable Star.

“Well, depende, kung mag-push, why not? ‘Yung threat? Bakit? Walang ganu’n,” pahayag ng aktor.

Hmmm, ano nga kaya kung pagsamahin nga ni Mother Lily sina Vice at Paolo sa isang pelikula?

Anyway, hoping na mapasama ang Die Beautiful at ang Mano 7 sa 2016 Metro Manila Film Festival na parehong entry ng Regal Entertainment. (Reggee Bonoan)