joao-rolo-copy

NAKAKATUWA na interesado ang Portuguese haute couture designer na si Joao Rolo para bihisan ng kanyang creations si Marian Rivera.

Nagpadala siya ng direct message sa Instagram account ni Marian, at sinabing: “Hello Marian Rivera. My name is Joao Rolo, I’m a Haute Couture Designer from Portugal. I would like to dress you with some of my creations. –JR”

Tinanggap naman ni Marian ang offer at sinagot niya si Joao in Portuguerse (marunong ng wikang Portuguese si Marian).

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kaya naman naging ecstatic si Joao na gumawa ng collections especially made for Marian.

Excited ang fans nina Dingdong Dantes at Marian sa ipinadalang sketch na black cocktail dress ni Joao at wish nila ay isuot ito ni Marian sa pag-attend niya ng grand premiere night ng The Unmarried Wife ng Star Cinema na muling pagtatambalan ng nina Dong at ng good friend niyang si Angelica Panganiban.

Samantala, nagiging busy ngayon si Marian sa pagtanggap ng guestings sa events dahil malapit na ang Pasko. Noong isang gabi, nag-post siya IG ng pasasalamat: “Thank you Marriott @manilamarriott for making me a part of your symbolic Christmas Tree lighting. The Christmas spirit is certainly on!” (NORA CALDERON)