Pinutol ng Adamson ang seven-game winning streak ng defending champion Far Eastern University sa makapigil-hiningang 61-59 panalo kahapon sa UAAP Season 79 seniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Umusad ang Falcons sa ikaapat na puwesto sa team standings tangan ang 6-5 karta.

Nanatili namang ligtas ang Tamaraws sa Final Four slots hawak ang 8-3 marka.

Nag-ambag si Sean Manganti ng 14 puntos at pitong rebound, habang kumana si Robbie Manalang ng 12 para sa bagong pormang Falcons, na ginagabayan ni coach Franz Pumaren.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iskor:

Adamson (61) – Manganti 14, Manalang 12, Espeleta 8, Sarr 6, Bernardo 6, Tungcab 5, Ahanmisi 4, Mustre 4, Ochea 2, Camacho 0, Paranada 0, Chua 0, Ng 0

FEU (59) – Jose 16, Tuffin 8, Arong 7, Inigo 6, Orizu 5, Trinidad 5, Dennison 4, Comboy 3, Roxas 3, Escoto 2, Bayquin 0, Ebona 0, Holmqvist 0, Denila 0

Quarterscores: 9-17, 30-32, 46-44, 61-59. (Marivic Awitan)