Naging matahimik ang unang araw kahapon ng idinaraos na 2016 Bar Examinations sa University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Manila, kung saan sumabak ang 6,831 law graduates.

Nagpakalat si Manila Police District (MPD) Director, Police Senior Supt. Joel Coronel ng mga awtoridad na magpapatrulya sa mga kalsada sa paligid ng UST, partikular sa España Boulevard, Lacson Avenue, Dapitan Street at Noval Street.

Tumulong din sa pagbabantay ang K-9 units, National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine Coast Guard (PCG), na 6:30 pa lamang ng umaga ay nakakalat na sa paligid ng unibersidad.

Mahigpit ding ipinaiiral ang liquor ban simula kamakalawa ng hatinggabi hanggang ngayong hatinggabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Mary Ann Santiago)