SEOUL (AFP) – Ipoposisyon ng United States ang advanced missile defense system nito sa South Korea sa kabila ng matinding pagtutol ng China at Russia.
Nagkasundo ang Seoul at Washington na maglagay ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system sa South matapos magsagawa ang North Korea ng sunud-sunod na paglulunsad sa ikaapat na nuclear test nito noong Enero.
Nagsalita sa isang seminar noong Biyernes, sinabi ni General Vincent Brooks, commander ng US Forces in Korea (USFK), na ilalagay ang THAAD battery, walo hanggang anim na buwan simula ngayon.