LOS ANGELES (AFP) – Magpapasya ang mga botante sa buong Amerika sa Election Day sa Martes kung sino kina Hillary Clinton at Donald Trump ang iluluklok na pangulo. Ngunit sa siyam na estado, may isa pang pagbobotohan---ang gawing legal ang marijuana.

Magdedesisyon ang California, Arizona, Maine, Massachusetts at Nevada kung gagawing legal ang pag-iingat at paggamit ng marijuana, gayundin ang pagtanim, produksyon at pagbebenta nito.

Inaprubahan na rin ang parehong inisyatiba sa apat na estado at sa Washington, DC.

Sa Arkansas, Florida at North Dakota, pagbobotohan ng mga residente ang legalisasyon ng paggamit ng marijuana para sa medicinal purposes. Magdedesisyon naman ang Montana kung papayagang gamitin ang marijuana sa therapeutic purposes.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ang United States ang world’s largest consumer ng mga gamot, at sinasabi ng mga tagasulong na kapag legal na ang marijuana, mabubura na ang motibong ito ay pagkakitaan.