Mga laro sa Miyerkules (MOA Arena)

8 n.u. -- UST vs AdU

10 n.u. -- FEU vs UP

Inilampaso ng reigning champion National University ang Far Eastern University, 78-42,upang makalapit sa asam na outright finals berth kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Muntik nang makatipa ng quadruple double si last year MVP Afril Bernardino sa naisalansan na 17 puntos, 10 rebound, 10 assist at siyam na steal upang pangunahan ang Lady Bulldogs sa impresibong panalo.

Nag-ambag si Gemma Miranda sa natipang 21 puntos, siyam na rebound at limang assist para giyahan ang koponan sa pag-angkin sa ika-13 sunod na panalo ngayong season.

Kailangan na lamang ng Lady Bulldogs na magapi ang University of the Philippines Lady Maroons sa huling laro nila sa elimination sa Nobyembre 15 upang ganap na mawalis ang double round eliminations at pormal na umusad ng finals.

Ang panalo ay nagpalawig din sa record-winning run ng Lady Bulldogs sa 45 laro magmula pa noong 2014.

Sa iba pang laban, naungusan ng De La Salle sa pamumuno ni Khate Castillo na nagtapos na may 18 puntos ang University of the East, 70-64, para tumatag sa solong ikalawang puwesto hawak ang barahang 9-3.

Nagdagdag naman si Camille Claro ng 17 puntos at limang assist, habang nag-ambag si Joahanna Arciga ng 14 puntos at walong bopund para sa panalo ng Lady Archers na nakalapit sa asam na twice-to-beat advantage sa Final Four round.

Dahil sa kabiguan, ganap nang napataklsik sa kontensiyon ang FEU na bumagsak sa ika-9 nilang pagkatalo sa loob ng 12 laro.

Samantala, bumaba naman sa ikatlong puwesto ang UE hawak ang barahang 8-4. - Marivic Awitan