TOKYO (AFP) – Nagprotesta ang Japan sa China kahapon matapos maglayag ang mga barko ng Chinese coast guard sa karagatang sakop nito sa mga pinag-aagawang isla sa East China Sea.

Apat na barkong Chinese ang pumasok sa karagatang nakapaligid sa mga isla, na tinatawag na Senkaku sa Japan at Diaoyu sa China, dakong 10:00 am local time (0100 GMT), ayon sa Japan Coast Guard.

Umalis din ang mga ito makalipas ang dalawang oras.

Naghain ng protesta ang Tokyo noong Linggo sa foreign ministry ng China sa pamamagitan ng embahada nito sa Beijing, iginiit na ang mga isla ay ‘’an inherent territory of Japan.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina