Isinugod sa pagamutan si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., matapos magreklamo ng matinding sakit ng ulo at pagsusuka sa loob ng piitan.

Ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, spokesman ng Philippine National Police (PNP), unang dinala sa Emergency Room ng PNP General Hospital sa loob ng Camp Crame dakong 9:00 ng umaga si Revilla.

“He experienced vomiting, severe headache and hypertension,” ayon kay Carlos.

Dahil na rin sa rekomendasyon ng mga doktor, dinala si Revilla sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City, sakay ng PNP ambulance dakong 11:40 ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Revilla ay magugunitang idinetine sa PNP Custodial Center matapos na isangkot sa pork barrel scam na pinangunahan ni Janet Lim-Napoles.

Kasama ni Revilla sa Custodial Center si dating Senator Jinggoy Estrada, na nahaharap din sa kahalintulad na kaso. - Aaron Recuenco