SEOUL – Isasantabi ng isang Atenean at isang La Sallian ang kanilang pagkakahiwalay sa kulay upang magsanib puwersa sa paglalapit sa Philippine Basketball Association na mas malapit sa tagasunod nito sa buong mundo – sa pamamagitan ng internet highway.
Ito ang nalaman kina incoming PBA chairman Mikee Romero, team owner ng Globalport Batang Pier at isang De La Salle Green Archer noong 90s, at second-year PBA commissioner Chito Narvasa, na naglaro para sa Ateneo Blue Eagles noong 80s, sa pagtatapos ng Board of Governors planning session upang itakda ang istratehiya na nakdisenyo para makuha ang “worldwide attention” sa 42-tong liga, laluna sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa labas ng bans.
Kabilang din sa radar ang mga millennials at batang manonood na isinilang sa paglipas ng dekada na ngayon ay nahuhumaling at nasasanay sa paggamit ng anumang lumalabas na mga bagong teknolohiya sa electronic media.
Inihayag mismo nina Romero at Narvasa matapos ang paunang dalawang oras na pulong kasama ang mga ballclub representatives sa Plaza Hotel Biyernes ang agresibong kampanya upang palawakin ang pagkakaalam sa PBA sa mga OFWs at maging mga dayuhan sa pamamagitan ng social media, na kilala sa web bilang “computer-mediated technologies that allow the creating and sharing of information, ideas, career interests and other forms of expression via virtual communities and networks.”
Isang napakahirap na gawain na halos katulad sa pagsasama sa mga blue-and-green faithful para sa common cause, subalit hindi natatakot ang dalawa, partikular si Romero sa hamon.
“There is a wide market out there and we have to reach it, the way the NBA does,” sabi ni Romero, na nanalo sa kongreso sa ilalim ng 1-Pacman banner noong May national elections.
“People not only watch the games live, they also want to read and write commentary of the game on real time,” sabi ni Romero. “How to make use of that platform is the big question, but we have to do it; broaden our base, cross borders, think outside the box. Iba yung market dati, iba na rin ngayon. We have to pull in the fans for them to make the PBA a habit. And that’s through the social media.”
Nakataya din ng isang Visayan leg para sa PBA D-League at isusunod na din ang Mindanao phase. Ang All-Star Game ay binago na naglalagay sa isa sa mga na nagmula sa isang partikular na lugar tulad ng Pampanga, Ilocos at Visayas.
“That way, fans can connect with them and cheer,” sabi ni Romero.
Ang iba pang PBA officials na kasalo sa planning session ay sina Ramoncito Fernandez ng NLEX, Dickie Bachmann ng Alaska, Dioceldo at Silliman Sy ng Blackwater, Tom Alvarez ng Mahindra, Atty. Mert Mondragon ng Rain or Shine, Atty. Raymond Zorrilla ng Phoenix, Rene Pardo ng Star, Erick Arejola ng Globalport, Patrick Gregorio ng TNT Katropa, Ryan Gregorio ng Meralco, Alfrancis Chua ng Barangay Ginebra San Miguel at dating chairman Robert Non of San Miguel Beer.
Ang 2016-17 season ay sisimulan a Nobyembre 20 kung saan sisimulan ng SMB ang pagtatanggol sa hawak nitong Philippine Cup title. Ang susunod na Commissioner’s Cup ay magbibigay sa mga ballclubs na kumuha ng mga imports na may taas na 6-foot-10 habang 6-foot-5 naman ang limitasyon sa mga reinforcements sa season-wrapping Governors’ Cup.
(TITO S. TALAO)