Hiniling ng tatlo kataong election committee ng Philippine Olympic Committee (POC) sa grupo ni Ricky Vargas na bigyan sila ng dagdag na 24 na oras para maglabas ng desisyon hinggil sa apela at protesta sa pagkadiskuwalipika nito sa gaganaping POC election sa Nobyembre 25.
Walang nagawa ang grupo ni Vargas sa mistulang “waiting game” na magaganap matapos ang isinagawang pulong kahapon ng umaga kundi ang maghintay sa krusyal na desisyon kung mananatili ang diskuwalipikasyon o tuluyan nitong makakalaban sa posisyon ang kasaluyang pangulo ng POC na si Jose “Peping” Cojuangco Jr.
Magkahiwalay na pinag-usapan ang apela ni Vargas at ang protesta ni Cavite 7th District representative Abraham “Bambol” Tolentino na nakatuon naman sa pagdidiskuwalipika sa pagtakbo muli na POC chairman ni Tom Carrasco matapos na mahalal bilang secretary-general ng triathlon.
Ang POC election committee na kinabibilangan nina Abono party list Congressman Conrado Estrella, Bro. Bernie Oca at dating IOC representative to Philippines Francisco Elizalde ay nakipagpulong sa grupo ni Vargas. (ANGIE OREDO)