Mga Laro Bukas
(Philsports Arena)
4 n.h. -- BaliPure vs Customs
6 n.g. -- Pocari vs UST
Bumalikwas ang Pocari Sweat mula sa kabiguan sa third set para biguin ang pagtatangka ng University of Santo Tomas na makahirit ng decider, 25-16, 25-23, 22-25, 25-14, Miyerkules ng gabi at makamit ang top seeding sa Final Four ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig.
Matapos makuha ang unang dalawang sets, nanlamig ang Lady Warriors sa third canto dahilan para makakuha ng pagkakataon ang Tigresses na mahila ang kampanya.
Ngunit, kaagad na naibalik ng Pocari ang wisyo at kaagad na ibinaon ang Tigresses sa 11-5 tungo sa ikaanim na panalo matapos ang unang kabiguan sa kamay ng Air Force.
Bunsod nito, nakamit ng Pocari ang No.1 spot sa cross-over semifinal kung saan makakaharap nila ang Tigresses na bumagsak sa No.4.
Magtutuos naman sa isa pang semis pairings ang Balipure at Bureau of Customs na tumapos na No.2 at No.3, ayon sa pagkakasunod.
Sa katunayan, magkakatabla ang UST, Balipure at Customs sa barahang 5-2, ngunit nalaglag sa pang- apart ang UST dahil sa taglay na pinakamababang quotient.
Nauna rito, winalis ng BaliPure ang Coast Guard, 25-12, 25-8, 25-9, para sa huling asignatura nila sa eliminations.
(Marivic Awitan)