Gulat na gulat ang isang dalaga nang posasan siya ng pulis makaraang mahuli sa aktong naglalaro ng shabu sa Malabon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Nahaharap ngayon sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165 si Evangeline Canezo, 37, ng Block 3, Lot 12, Phase 2, Pampano Street ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, dakong 9:00 ng gabi ikinasa ng mga operatiba ng Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (AID-STOG), sa pangunguna ni PO1 Roberto Roque, ang operasyon sa lugar ng suspek.

Pawang naka-sibilyan at binabaybay ng grupo ni PO1 Roque ang nasabing lugar nang makita ng mga ito si Canezo na hawak ang dalawang plastic sachet ng shabu at tuwang-tuwang nilalaro sa mga kamay. (Orly L. Barcala)

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary