GOGJALI, Iraq (AFP) - Nanawagan ang jihadist leader na si Abu Bakr al-Baghdadi nitong Huwebes sa kanyang mga mandirigma na lumaban hanggang wakas habang papasok ang Iraqi forces sa lungsod ng Mosul, kung saan idineklara niya ang “caliphate” noong 2014.

Ang apela sa isang audio recording na inilabas sa Internet at ipinapalagay na boses ng mailap na pinuno ng grupong Islamic State, ay ang kanyang unang mensahe ngayong taon.

‘’Do not retreat,’’ aniya. ‘’Holding your ground with honour is a thousand times easier than retreating in shame.’’

‘’To all the people of Nineveh, especially the fighters, beware of any weakness in facing your enemy,’’ sabi ni Baghdadi, na ang tinutukoy ay ang probinsiya sa hilaga ng Iraq na ang kabisera ay Mosul.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Noong Oktubre 17, libu-libong Iraqi forces, suportado ng US-led coalition at mga warplanes, ang naglunsad ng malawakang opensiba sa Mosul, ang huling pinakamalaking balwarte ng IS sa Iraq.