matteo2-copy

HINDI gawaing biro ang hirap na sinuong ni Matteo Gudicelli to win the heart of Sarah Geronimo. Hindi sumuko ang aktor at ipinaglaban ang kanyang pag-ibig kay Sarah na bantay-sarado ng mga magulang.

Kamakailan ay ipinagdiwang ng magkasintahan ang kanilang ikatlong anibersaryo via whale sighting sa karagatan ng Cebu, the hometown of Matteo.

Sa isang panayam, itinanong kay Matteo kung paano niya sinuyo si Sarah at ang sekreto ng pananatiling matatag ng kanilang relasyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Niligawan ko siya through the old-fashioned way,” pagtatapat ni Matteo. “Hinarana ko siya. Wala pa ako sa showbiz ay crush ko na si Sarah. She is everything to what I am looking for sa isang babae. She is thoughtful at hindi selfish at mapagmahal na anak. Higit sa lahat minahal ko siyang lalo because of her honesty.”

Good cook si Matteo at pasta ang lagi niyang inihahain kay Sarah.

“Pero sapul na mag-aral si Sarah sa culinary school ay ako ang lagi na niyang ipinagluluto,” dagdag impormasyon ng aktor.

Kalalabas lang ng self-titled album ni Matteo tampok ang mga electric dance selections. Middle of the month ay may concert siya entitled Matteo Made in Cebu na gaganapin sa Waterfront Hotel. Tiyak na present si Sarah sa concert at maganda sana kung mag-duet ang dalawa in a surprise number. (REMY UMEREZ)