Isang fetus ang nadiskubreng inabandona sa palikuran ng isang mall sa Binondo, Maynila kamakalawa.

Ayon kay Police Supt. Amante Daro, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 11, tinatayang nasa isa hanggang dalawang buwang gulang pa lamang ang fetus kaya hindi pa batid ang kasarian nito.

Sa pagsisiyasat naman ni PO3 Jonathan Ruiz ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 4:30 ng hapon nadiskubre ni Lorelyn Baclayo, janitress ng mall na matatagpuan sa Claro M. Recto Avenue sa Binondo, ang fetus sa sahig ng banyo.

Maglilinis umano sana siya nang madiskubre ang fetus kaya kaagad niyang ipinagbigay-alam sa kanilang security agency, na nagpaabot ng impormasyon sa mga pulis. (Mary Ann Santiago)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20