BEIRUT (AP) – Hiniling ng bagong halal na si Lebanese President Michel Aoun nitong Huwebes kay dating Prime Minister Saad Hariri na magbuo ng bagong gobyerno, matapos makuha ng dating premier ang majority sa parliament.

Inanunsyo ito ng opisina ni Aoun matapos ang dalawang araw na konsultasyon sa mga mambabatas kaugnay sa kanilang nais na maging prime minister. Hindi nakasaad sa pahayag kung ilang mambabatas ang sumuporta kay Hariri para sa puwesto.

Isang Christian leader at malakas na kalayado ng Shiite Hezbollah group, inihalal si Aoun ng parliament bilang pangulo noong Lunes, na nagwakas sa 29- buwang presidential vacuum sa Lebanon. Nangyari ito matapos siyang iendorsdo ni Hariri, batay sa unawaan na itatalaga naman niya ang huli bilang prime minister.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina