SEOUL (Reuters) — Nagtalaga si President Park Geun-hye kahapon ng bagong prime minister at finance minister, kasunod ng eskandalo na yumanig sa kanyang administrasyon kaugnay sa pakikialam ng isang matalik niyang kaibigan sa mga gawain ng estado.

Sinabi ng Blue House na hinirang si Yim Jong-yong, ang Financial Services Commission chairman, bilang bagong finance minister at deputy prime minister. Papalitan ni Yim si incumbent minister Yoo Il-ho.

Si Kim Byong-joon, naging senior presidential secretary sa administrasyon ni dating president Roh Moo-hyun, ang pinangalanang bagong prime minister kapalit ni Hwang Kyo-ahn.

Nagtalaga rin ng bagong minister of public safety and security, sa pagsisikap na mapahupa ang galit ng publiko sa eskandalong kinasasangkutan ng kaibigan ni Park na si Choi Soon-sil, na nasa kustodiya na ngayon at iniimbestigahan ng prosecutors.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina