_sunshine-macky-copy

NAG-UMPISA ang lahat sa pagkalat ng photos nina Sunshine Cruz at Macky Mathay sa social media na magka-holding hands sa Bonifacio Global City, Taguig noong unang linggo ng Oktubre. 

Dahil dito, hindi na nakaiwas si Macky sa mga tanong kung ano na nga ba ang estado ng kanyang pakikipagmabutihan sa aktres. At nito ngang nakaraang linggo, inamin na niya na magkarelasyon nga sila.

Isang malutong na “Yes!” ang sagot ni Macky nang tanungin kung sila na nga ba ng ex-wife ni Cesar Montano. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Wala namang problema kung tutuusin, “single” na uli si Macky dahil hiwalay na siya sa asawang si Camille Fariñas.

Matagal na rin namang hiwalay si Sunshine kay Cesar at sa katunayan ay hinihintay na lamang ang desisyon ng kanilang annulment case.

Nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Sunshine at Macky sa kanilang madalas na pag-uusap sa Instagram nitong September lamang, hanggang sa katagalan ay naging komportable na sila sa isa’t isa.

Pahayag ni Macky sa panayam ng PEP, “I assured her, ‘Ever since from the start, na ‘pag lumabas, hindi kita idi-deny ‘cause you make me so happy. ‘Tsaka mahal kita’,”

“Sinasabi ko kay Sunshine, ‘Everything happens so fast between the two of us, but the thing is, I love you. And puwede namang araw-araw kitang ligawan pa rin.’

“Para at least, di ba, ang dami-daming tao na -- ‘tsaka, iyon nga, matanda na kami na ang dami nang pinagdaanan sa buhay, the two of us, (na baka) hindi na uli makahanap ng mamahalin. So, bakit pipigilan mo pa ‘yung nararamdaman mo?” katwiran ni Macky. (ADOR SALUTA)