CLEVELAND (AP) — Sa pagsabak ng Indians kontra Chicago Cubs sa Game Six ng World Series, kabilang ang hometown hero sa crowd na magbibigay ng suporta sa koponan.

Ipinahayag ni Eddie Robinson, nalalabing buhay na miyembro ng matagumpay na Indians na nagkampeon sa World Series noong 1948, na personal siyang manonood ng laro sa Progressive Field sa Martes (Miyerkules sa Manila).

Ang 95-anyos na si Robinson ang starting first baseman ng 1948 Indians na kinabibilangan nina Hall of Fame pitcher Bob Feller, Larry Doby, bumuwag sa AL color barrier, shortstop/manager Lou Boudreau at pitcher Bob Lemon.

Magmumula si Robinson sa Fort Worth, Texas, para mapanood ang Indians na magtatangkang tapusin ang Chicago Cubs para makumpleto ang kasaysayan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tangan ni Robinson ang .300 sa bat tampok ang anim na hit sa 1948 Series at tumipa ng ikaapat na run ng Cleveland sa Game Six ng World Series kontra Boston Braves para sa kampeonato.