FINALLY, puwede na siguro naming sulatin ang off the record at huling pinag-usapan namin ni Jake Ejercito since nag-post naman na siya ng litratong magkasama ang kanyang parents na sina Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at Ms. Laarni Enriquez at anak niyang si Ellie.

Sa interbyu kasi namin kay Jake pagkatapos niyang tanggapin ang parangal sa kanyang Best New Male TV Personality ng PMPC Star Awards for TV, tinanong namin siya kung nakilala na ni Ellie ang lolo nito.

“Actually, hindi pa, off the record po,” pakiusap ni Jake. “Ang balak ko, before the year ends.”  

‘Christmas?’ tanong namin. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Yeah, Christmas po. Ang hirap kasing i-explain kay Daddy kung bakit hindi ko alam, bakit three years old na ‘yung bata nu’ng nalaman ko. Ang hirap lang i-explain, and also considered what happened to my sister (Jerika Ejercito) with BJ (Bernard Palanca) na naghiwalay sila.”

Pero hindi na nahintay ni Jake ang Pasko, dahil nitong Oktubre 31, Lunes ay ipinakilala na niya si Ellie sa kanyang ama kasama ang inang si Laarni, base na rin sa litratong ipinost niya sa kanyang Instagram kahapon ng tanghali.

Ang caption na inilagay ni Jake, “Last night was a good night.”

Samantala, kung okay na si Ellie sa buong pamilya ni Jake ay mukhang hindi pa rin siya okay sa pamilya ni Andi Eigenmann dahil inokray ng lola ng anak na si Jaclyn Jose ang ipinost niyang Halloween nila ng anak.

Naka-princess costume si Ellie samantalang naka-prince naman si Jake at may caption na, “I’ll slay all your dragons for you, my princess.”

Sinagot ni @jaclynjose ang post ni Jake ng, “She will always a princess before you and will always be. I slayed all the dragons before you. You could have slayed the dragons before this. But you chose not to. You can’t all of the sudden slay. You do not have the tool.”

Agad ipinagtanonggol si Jake ng followers niya.

“chismosame@jaclynjose with much respect. Let us all be happy that he is doing his best to be a good father, your princess is happy that is the most important thing everyone knows and appreciate the lola that you have been young as they were it is important that now he is trying to be the best he could to her for her happiness let us all be happy.”

“fangirlnumberzillion, A good parenting have ways and standard but a parent love for his child is unquestionable even on the world’s harsh judgement.”

Marami man ang nag-agree sa post ni Jaclyn Jose, mas marami ang nagtatanggol kay Jake sa ipinakikita niyang pagmamahal sa anak at sinabi naman niya na simula sa pagbubuntis ni Andi sa kanilang anak ay hindi niya ito nasamahan, maliban noong nanganak ito, dahil nasa London siya at nag-aaral.

Pero nang maipanganak na ni Andi si Ellie ay parati nang nasa tabi ng mag-ina si Jake kahit hindi siya sigurado kung siya nga ang ama dahil nga may ibang itinuturo.

Ang natandaan naming sinabi ni Jake, “Since she (Ellie) was conceived, I was there na, ako lang ang kilala niyang daddy niya.” (REGGEE BONOAN)