CLEVELAND (AP) — Labis ang kasiyahan ni Terry Francona nang masaksihan ang pagdagsa ng Cavaliers fans sa kalsada para salubugin ang NBA champion.
Makalipas ang apat na buwan, napipitong maulit ang naturang tagpo at kung hindi mababalahaw ang kapalaran – kasaysayan ang ipagdiriwang ng Indians.
Tangan ng Indians ang 3-2 bentahe sa World Series at host sa Game 6 kung saan target ng koponan na makamit ang titulo sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1948.
Sa basketball, napawi ang 52 taong pagkauhaw sa major championship ng lungsod nang pagbidahan ni LeBron James ang 1-3 pagbangon para makuha ng Cavaliers ang kauna-unahang NBA title sa Game 7.
“I went up to the upper deck just because I wanted to watch the parade,” pahayag ni Francona nitong Lunes (Martes sa Manila) sa pagbabalik ng World Series sa Cleveland.
“From that vantage point, I think they were expecting 700,000 and they about doubled it. And from up in the upper deck you could see the people coming across the bridge in droves.”
Dalangin ni Francona na muling maganap ang pagdiriwang sa Cleveland.
May dalawang pagkakataon ang Indian na magtagumpay sa sariling tahanan dahil host pa rin sila sakaling maganap ang ‘sudden death’ Game Seven.
Sa pangunguna ni Aroldis Chapman, nakuha ng bataan ni Chicago manager Joe Maddon ang 3-2 panalo sa Game 5 para maidikit ang serye sa 2-3.
Naghintay ang Cleveland fans ng 68 taon para sa pagdating ng tagumpay at abot-kamay na nila ang pedestal.
Pangungunahan ni Josh Tomlin, pinakabeterano sa line up ng Cleveland, ang Indians sa Game Six sa Martes (Miyerkules sa Manila).
“I know the atmosphere of this game is not the same, but it’s still the same game,” sambit ng 32-anyos na si Tomlin.
“Between the lines it’s still 60 foot, 6 inches. It’s still 90 feet to first base. It’s still baseball. In the grand scheme of things it’s still the baseball game whenever the umpire says ‘Play ball!’ So that’s how you have to treat it.”