3-0 sa Bulls; De Rozan sumasabay sa scoring record.

NEW YORK (AP) – Sapol ang bawat target ng Chicago Bulls.

Sa pangunguna nina Jimmy Butler at Nikola Mirotic, dinomina ng Bulls ang Brooklyn Nets, 118-88, nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nagsalansan si Butler ng 22 puntos mula sa six of 10 field goal kabilang ang tatlong three-pointer para sandigan ang Bulls sa ikatlong sunod na panalo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naitarak naman ni Mirotic ang 16 puntos at 10 rebound.

Nag-ambag si Isaiah Canaan ng 15 puntos para sa Chicago, nagwagi rin sa Boston Celtics at Indiana Pacers.

Kumubra naman si Taj Gibson ng 14 puntos, habang tumipa sina Dwyane Wade at Doug McDermott ng tig-12 puntos at kumubra si Rajon Rondo ng 10 puntos.

Nanguna sa Brooklyn si Bojan Bogdanovic na tumipa ng 15 puntos, habang kumana si Jeremy Lin ng 14 puntos.

RAPTORS 105, NUGGETS 102

Sa Toronto, kumubra si DeMar DeRozan ng 33 puntos, habang kumana si Kyle Lowry ng 29 puntos sa makapigil-hiningang panalo ng Raptors kontra Denver Nuggets.

Naitala ni DeRozan ang 30-plus point sa ikatlong sunod na laro para pantayan ang marka ni Oklahoma City guard Russell Westbrook ngayong season.

Sa kabila nito, sinabi ni DeRozan na malayo siyang maikumpara kina Westbrook at New Orleans forward Anthony Davis, kumana ng 50 puntos ngayong season.

“Do you see what they were doing?” sambit ni DeRozan. “That’s video game numbers. It’s awesome just to ... have your name in any type of conversation about elite, top players.”

Nag-ambag sina Danilo Gallinari, Will Barton at Emmanuel Mudiay ng tig-16 puntos sa Denver, habang umiskor si Jusuf Nurkic ng 13 puntos at career-high 18 rebound.

CLIPPERS 116, SUNS 98

Ginapi ng Los Angeles Clippers, sa pangunguna nina Blakes Griffin at DeAndre Jordan, ang Phoenix Suns, 116-98.

Matikas ang dalawang starting player, ngunit malaki ang naitulong ng bench sa krusyal na sandali, higit sa sitwasyon na nagsagawa ng paghahabol ang Suns.

Nanguna si Chris Paul na may 24 puntos, at walong assists, habang kumana sina Griffin at Jordan ng 21 puntos at 11 board at 19 puntos at 11 rebound, ayon sa pagkaksunod.

Nanguna si Brandon Knight sa Suns sa naiskor na 18 puntos, habang kumubra sina TJ Warren at Alex Len ng 15 at 13 puntos mula sa bench.

HAWKS 106, KINGS 95

Sa Atlanta, dinagit ng Hawks ang Sacramento Kings.

Nanguna si Dwight Howard sa naiskor na 18 puntos, 11 rebound at apat na block, habang tumipa sina Dennis Schroder at Kyle Korver ng tig-17 puntos, at kumana sina Paul Millsap at Kent Bazemore ng 13 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.