geral-at-bea-sa-singapore-copy

PARANG hindi na kailangan pang umamin nina Gerald Anderson at Bea Alonzo sa kanilang relasyon dahil kitang-kita sa mga kilos nila ang magandang namamagitan sa kanilang dalawa.

Hindi nakakaligtas sina Gerald at Bea sa maraming Pinoy na nakakita sa kanila habang nagbabakasyon sila sa Singapore.

‘Wag gawan ng isyu dahil maraming kasama ang dalawa at hindi sila umiwas sa maraming request na picture taking.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Aliw lang ang ibang fans dahil hinahanapan ng ka-sweet-an sina Gerald at Bea, kahit mag-holding hands lang daw masaya na sila. Sa mga picture kasing ini-upload sa social media, wala silang PDA at wala man lang holding hands.

Pero ang karamihan sa fans nina Gerald at Bea ay masaya nang makita silang magkasama, magkatabing naglalakad, at nagtititigan. Busog na sila sa tuwa at mas matutuwa pa raw sila ‘pag umamin na publicly ang dalawa. (Nitz Miralles)