Inaasahang mas magiging mainit ang hidwaan sa pagitan nina boxing chief Ricky Vargas at long-time Olympic president Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Bilang paghahanda sa inaasahang pagkatig ng POC Comelec sa naunang desisyon na idiskuwalipika si Vargas sa pagtakbo sa pagkapangulo ng Olympic body, huminge ang grupo ng ayuda sa de kampanilyang law firm.

Ayon kay Angelico “Chito” Salud, abogado at spokesperson ni Vargas, kinuha nila ang serbisyo ng Angara Abello Concepcion, Regala & Cruz (ACCRA) Law office, ang kompanya na binuo ni Senador Edgardo Angara, upang humanap ng lahat ng legal na paraan hinggil sa isyu sa diskuwalipikasyon kay Vargas.

“We engaged the services of ACCRA just today (yesterday) for the purpose of determining the correct move our group is going to make if the POC’s election committee decides to deny our appeal,” pahayag ni Salud, dating PBA commissioner.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna nang nagsumite ang PLDT executive ng pormal na protest/motion for reconsideration sa POC election committee matapos ang desisyon na ideklarang ineligible si Vargas para labanan ang long-serving POC chief na si Jose ‘Peping’ Cojuangco sa eleksiyon sa Nobyembre 25.

Pinangunahan ang POC Comelec ni dating IOC repserentative to the Philippines Frank Elizalde, kilalang malapit na kaibigan ni Cojuangco.

Ipinaliwanag ni Elizalde na ibinase nila ang diskuwalipikasyon sa provision ng POC bylaws and constitution na naglilimita sa mga nagnanais na tumakbo sa pangulo bilang “active member” ng POC general assembly.

“The fact is that the POC law and constitution does not provide a parameter as to what an active member is. It’s a vague, nebulous eligibility requirement without a clearcut set of meaning,” sambit ni Salud.

Idinagdag pa ni Salud na hihilingin nila ang posibilidad na tanungin ang POC general assembly na ipaliwanag ang “active membership” dahil ito ang grupo na sumulat at nagpasa sa constitution and by-laws ng POC.

Samantala, hindi lamang sina Vargas at Cojuangco ang may mainit na labanan matapos na magsumite din ng kanyang protesta si Cavite 7th District Rep. Bambol Tolentino ng Cycling na diniskuwalipika din tulad ni Vargas laban kay triathlon secretary general Tom Carrasco.

Hangad ni Tolentino ang diskuwalipikasyon ng kalabang si Carrasco dahil hindi na umano pangulo ng National Sports Association matapos magbigay daan kay Ramon Marchan bilang bagong head sa ginanap na eleksiyon noong Agosto 31.

(Angie Oredo)