CHICAGO (AP) — Isa pang panalo para sa kasaysayan ng Cleveland Indians.
Ginapi ng Indians ang Chicago Cubs, 7-2, nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Game 4 ng World Series para sa 3-1 bentahe sa best-of-seven series.
Nanguna si Corey Kluber sa impresibong pitching sa loob ng anim na innings, habang kumana si Jason Kipnis ng three-run homer sa harap nang nagbubunying kababayan.
Kumana rin si Carlos Santana ng isa sa tatlong hits para sa Cleveland, lumapit ng isang panalo para muling matikman ang kampeonato mula noong 1948.
Pangungunahan ni Trevor Bauer ang Indians sa Game Five sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Wrigley Field target ang ikatlong World Series ng prangkisa.
Kahanga-hanga ang kampanya ng Indians na itinuturing underdog sa kabuuan ng season. Sinilat ng Indians ang defending champion Royals, gayundin ang paboritong Tigers para sa AL Central title, bago pinataob ang Rex Sox, pinangungunahan ni David Ortiz, gayundin ang heavy-hitting Blue Jays para sa AL pennant.
Pinapaboran din ang Cubs na nagtatangkang tuldukan ang 108 taong kabiguan sa kampeonato.