MAY kabuuang 21 player mula sa MIllennium Basketball League (MBL), ang kabilang sa sumabak sa isinagawang Gatorade PBA Rookie Draft nitong weekend.
Pinangunahan nina University of Santo Tomas star na sina Ed Daquioag at Kevin Ferrer ang listahan nang mga player na naging produkto ng liga, isang patunay sa kalidad ng mga laro at status ng mga player sa isa sa pinakamalaking amateur league sa bansa.
Sina Daquioag at Ferrer ay miyembro ng UST Tigers na nag-kampeon sa 2013 MBL Open sa pangangasiwa ni multi-titled coach Pido Jarencio.
Ang 6-foot-1 na si Daquioag, pambato ng Dingras, Ilocos Norte, ay nahirang pang Most Valuable Player sa MBL.
Ang dating Benedictine International School standout ay umiskor ng kanyang personal single-game high na 43 points sa double overtime game ng UST laban sa Wang’s Ballclub noong Abril 13, 2013.
Naging top player din si Ferrer ng nasabing star-studded UST team, na kinabibilangan din nina Jeric Teng, Aljon Mariano at Karim Abdul.
Dalawa pang rookie aspirants na may MBL titles sa kanilang pangalan ay sina Jordan de la Paz ng Jose Rizal University at Jiggy Laude ng Lyceum at Macway Travel Club.
Si Laude ay miyembro ng Macway Travel Club na naka-sungkit ng MBL title nung Mayo.
Kabilang din sa PBA draft ang apat na player mula sa Wang’s Ballclub -- Jerald Cueto, Jeff Tayongtong, Ryan Arambulo at Jessie Saitanan.
Ang iba pang mga PBA aspirant na dating naglaro sa MBL ay sina Jeff Javillonar (Rizal Technological University), Rashawn McCarthy, Jam Jamito and Jericho De Guzman (AMA University), Jaycee Asuncion (JRU), Joseph Eriobu (Mapua/FEU-NRMF), McJour Luib (Letran), Chris Javier, Gino Jumao-as and Erwin Duran (University of the East), John Ambulodto (San Jose Builders), Cedric Ablaza (Sea Lions) at Jayson Ibay (University of Manila).