SACRAMENTO (AP) – Sa ikalawang sunod na laro, kumana si Kawhi Leonard ng 30 puntos para sandigan ang San Antonio Spurs kontra Kings, 102-94, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Hataw ang 25-anyos na si Leonard ng 35 puntos nang dominahin ang Golden State Warriors nitong Miyerkules sa season opening.
Nag-ambag si LaMarcus Aldridge ng 16 puntos.
BULLS 105, CELTS 99
Sa Chicago, kumana si Jimmy Butler ng 24 puntos, habang kumubra si Dwyane Wade ng 22 puntos mula sa 7-of-18 shooting sa panalo ng Bulls kontra Boston Celtics.
Nanguna si Isaiah Thomas sa Bostos sa naiskor na 25 puntos.
HAWKS 114, WIZARDS 99
Sa Atlanta, dinagit ng Hawks, sa pangunguna ni Paul Millsap na umiskor ng 28 puntos, ang Washington Wizards.
Nagsalansan si Tim Hardaway ng 21 puntos para sa Atlanta.
Kumubra si Marcus Morris ng 22 puntos para sa Wizards, habang kumana si John Wall ng 12 puntos at 10 assist.