Umaani ng suporta mula sa mga kongresista ang panawagang busisiin ang mga multi-bilyong dolyar na kasunduan na isinara ni Pangulong Duterte sa apat na araw niyang pagbisita sa China noong nakaraang linggo.

Huling umapela si Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate, miyembro ng mayorya at chairman ng House Committee on Natural Resources.

Partikular na nanawagan si Zarate sa kanyang mga kapwa mambabatas na magsagawa ng “thorough, serious due diligence vetting” sa mga proyektong bunsod ng pakikipagkasundo ng Presidente sa mga dayuhang kumpanya upang maiwasang maulit ang mga kaduda-dudang kasunduan ng gobyerno, gaya ng nangyari sa mga nakalipas na administrasyon.

“We must be very careful so as to avoid a repeat of deals like the Northrail and NBN-ZTE during Gloria Macapagal-Arroyo’s term and the numerous MRT/LRT contracts of the Aquino administration. These deals cost taxpayers billions of pesos, yet, nothing to their benefit came out of it,” ani Zarate.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinagmalaki ni Pangulong Duterte na nakapag-uwi ang kanyang delegasyon ng $24 billion halaga ng pamumuhunan sa kanyang apat-na-araw na state visit sa China. (Ellson A. Quismorio)